Wednesday, December 20, 2006
Wednesday, December 13, 2006
Friday, December 1, 2006
Tuesday, November 28, 2006
Carbonara
Monday, November 27, 2006
Salo-salo Singapore Style
Tayong mga Pinoy ay sadyang likas na matatakaw. Sa bawat pagkakataon na magsama sama, may okasyon o wala, hindi mawawala ang pagkain. At sa bawat salo salo na magaganap sa amin dito sa Singapore, hindi maiiwasan na masangkot ang aking pangalan. Bakit? Kasi ako ng official na kusinera ng aking mga kaibigan o tropa. Hindi dahil marami akong oras, dahil sa hilig ko ito at gusto raw nila ang luto ko.
Nagumpisa ang lahat sa pagtambay sa bahay at pagkain ng sama sama tuwing walang pasok. Hanggang sa napunta ito sa pagluluto tuwing may despedida at birthdays.
Minsan binibiro nila ako na mag-deliver na lang ako ng pagkain sa opisina para maiba at sumarap naman ang kanilang pananghalian. Nakakasawa na raw ang maanghang at ma-curry na pagkain at hinahanap na nila ang nakasanayang pagkain angkop sa kanila o ating panlasa.Pinatulan ko nga, at ayun, mas lumawak ang nakakilala at nakatikim..
Kinareer ko na nga ang pagluluto. Dahil palagi tayong nakakaisip ng rason para magsama sama, dapat hindi mawala ang masarap na pagkain. Ito lang din ang pwede natin gawin para maglibang, magsaya at mag party... Singapore style.
Subscribe to:
Posts (Atom)